Sunday, October 2, 2011

Nandito Lang Ako

Nandito Lang Ako
ReEdBD 1C0 - C02

 


Kaysarap pagmasdan ang isang pamilyang kumpleto at masaya. Andyan si Tatay ang haligi ng tahanan, si Nanay na siyang ilaw ng tahanan at kanilang mga butihing anak. Ngunit, papaano kung isa sa kanila ay biglang mawala? Pano kung may isang magpapaalam? Paano na ngayon mamumuhay ang isa't isa? Bablik pa kaya sa dati ang kanilang pagsasamahan?
 
Dito ninyo matutunghayan ang kwento ng isang pamilya at wagas na pag-ibig nila sa isat-isat, ang pamilyang naging magulo, miserable at nagkawatak-watak nang sumakabilang buhay ang kanilang ilaw ng tahanan. Ang dagok na nagdulot ng napakaraming komplikayson sa buhay nila lalong-lalo na sa panganay na anak na si Aeron. Mangmula nang pumanaw ang ina, ang dating masipag mag-aral, matalino at mabait na anak, ngayo'y naging iresponsable at palaging wala sa sarili. Aksidente ang pagkamatay ng ina at yan ang katotohanan. Ngunit, sinisisi pa rin si Aeron ng kanyang Ama. Walang araw na di sila nag-aaway at nagtatalo kaya't apektado narin maging ang bunsong kapatid nito.
 
Ngunit tunay na nga bang tinalikuran ng Ina ang kanyang pamilya? Hahayaan lang ba niya itong masakdal sa kalungkutan?

No comments:

Post a Comment